beep.beep.beep.
palengke, marikina city.
naghihintay kami ng calumpang jeep ng kapatid ko. may titigil sana sa harap namin since loading/unloading naman kung san kami nakapwesto kaso biglang may kotse. hindi ko alam san galing yung kotse basta bigla na lang syang andun. nagkatraffic tuloy. tapos busina lang sya ng busina. tuloy-tuloy. nakakainis yung tunog nya.
nung nakasakay na kami dun sa sumunod na jeep, asar na asar yung driver nung jeep. sabi pa nya dapat sinagasaan na raw yung kotse na yun. naisip ko si jason ivler. ganun din kaya naramdaman nya? pero nakakairita talaga. hindi ko rin maintindihan yung feeling pero parang nawawalan ka ng reason. ganun. gusto mo lang matigil yung ingay na yun. patayin. and i can’t believe i’m saying this. in a very very very small way, i feel for jason ivler.